Tuesday, December 21, 2004

Ano ang Kulay ng Pasko Mo?

ITIM.

Yan ang palagi kong sagot tuwing darating ang pasko.

Bakit itim?

At ano pa ba ang kulay ng pamimighati? Ng kalungkutan? Ng pag-iisa?

Nung isang buwan lang nag kulay itim na naman ang mundo ko. Inasahan ko na, na kulay itim na naman ang pasko ko.

Sa isang banda, bawas gastos. Yung ibibigay ko sa kanya, para sa akin na lang.

Pero hindi rin.

Ayoko ng laging itim ang kulay ng pasko ko. Mabuti na lang dumating sya.

Iba na ang kulay ng pasko ko.

Hindi itim, hindi pula, hindi pink.

Puti.

Kasing puro ng pagmamahal ko sa kanya ngayon.



Comments:
Of course, now you have to update your blog coz you have someone and your christmas is currently riddled with festive colors. :-)
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?